top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Chairman, niratrat ng mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 7, 2020



CAMARINES SUR—Isang barangay chairman ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Sagrada, Lupi.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Chairman Allan dela Rosa, nakatira sa Bgy. De Carmen sa nasabing bayan.


Napag-alamang lulan ng owner-type jeep si Dela Rosa nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na si Dela Rosa ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page