Chairman, niratrat ng 3 armado

@Balitang Probinsiya | February 17, 2021
CAMARINES NORTE—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Macogon, Labo.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Chairman Geoffrey Castillo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Castillo nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Castillo.



Comments