Chairman, nilikida ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | December 12, 2021
NUEVA ECIJA—Patay ang isang barangay chairman nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Inspector, Sta. Rosa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Chairman Emiliano Muncal, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, lulan umano si Muncal ng kanyang motorsiklo nang sumulpot ang mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments