top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Chairman, nilikida ng armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 6, 2021



NUEVA ECIJA—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Lambakin, Jaen.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chairman Zoilo de Belen, naktira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang habang nagdidilig ng mga halaman si De Belen ay biglang huminto sa harap nito ang isang kotse at bumaba ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-n-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page