top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Chairman na nambugbog, inireklamo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 06, 2022


AKLAN—Inireklamo sa pulisya ang isang barangay chairman na nambugbog umano ng lasing kamakalawa sa bayan ng Libacao.


Hindi muna pinangalanan ang barangay chairman habang nag-iimbestiga pa.


Ayon sa ulat, binugbog umano ng barangay chairman ang biktimang si Vincent Sison, nasa hustong gulang dahil nagwawala umano ito dahil sa labis na kalasingan.


Pinabulaanan naman ng biktima na siya ay nagwawala, bagama’t inaming lasing siya pero pauwi na umano siya nang sitahin ng barangay chairman hanggang sa bugbugin siya.


Itinanggi ng barangay chairman na binugbog niya ang biktima, at kaya lang umano ito nagkaroon ng mga pasa ay dahil nagpupumiglas umano ito nang hulihin ng mga barangay tanod dahil sa pagwawala sa kanilang barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page