Chairman, dedbol sa SUV
@Balitang Probinsiya | November 11, 2021
ISABELA—Isang barangay chairman ang namatay nang aksidenteng mabangga ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Angadanan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Chairman Gilbert Guillermo, 48-anyos, nakatira sa Bgy. Aniog sa naturang bayan, samantalang ang driver ng SUV ay si Johnly Niño, tubong Tumauini sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Niño, kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Guillermo.
Nahaharap ang driver ng SUV sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments