Search
  • BULGAR

Cellphone nag-overheat, bahay nasunog

@Balitang Probinsiya | February 28, 2021


CAPIZ—Isang bahay ang tinupok ng apoy dahil sa nag-overheat na cellphone na naka-charge sa saksakan ng kuryente kamakalawa sa Bgy. Lawaan, Dumarao.


Ang bahay na nasunog ay pag-aari ng pamilyang Dampong na residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang apoy sa kuwarto ng bahay kaya nasunog ang buong kabahayan.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay napag-alamang cellphone na naka-charge ang sanhi ng sunog.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.