Call center agent, natagpuang patay
- BULGAR
- Feb 29, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | ngayong Pebrero 29, 2024
BACOLOD CITY -- Isang call center agent ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa City Heights Subdivision, Brgy. Taculing sa lungsod na ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng nasabing call center agent.
Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima kaya ini-report nila ito sa pulisya.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang may sugat sa dibdib at likod ang biktima na indikasyong pinatay ito.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para makilala ang salarin na pumatay sa biktima.






Comments