Call center agent, dedo sa pick-up
@Balitang Probinsiya | July 4, 2023
ILOILO -- Isang call center agent ang namatay nang mabangga ng isang pick-up ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Lopez Jaena Sur, La Paz sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Michael Gaelo, 25, residente ng Bgy. East Baluarte, Molo sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng pick-up ang driver na si Jan Sabran kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival, samantalang sumuko sa pulisya si Sabran.



Comments