CAFGU member, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 15, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 1, Moises Padilla sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si CAA Ryan Domingo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments