Search
  • BULGAR

Bus driver at konduktor, nanganganib ding mawalan ng kayod

@Editorial | June 25, 2020



Tila doble dagok ang sasapitin ng mga bus drivers at konduktor sa gitna ng pandemya.


Bukod sa ilang buwan na tigil-pasada dahil sa COVID-19, tila wala na rin silang babalikang trabaho.


Ayon sa pinakamalaking bus company sa bansa, posible umanong magbawas sila ng mga drayber at konduktor sakaling manatiling suspendido ang operasyon ng mga provincial bus.


Matatandaang Marso nang ipagbawal ang pagbiyahe ng mga provincial bus alinsunod sa mga patakaran ng community quarantine.


Sa pamamagitan umano ng pagbabawas ng tao ay magkakaroon naman daw sila ng pagkakataong makahanap na ng ibang pagkakakitaan o trabaho.


Kunsabagy, sa mga kumpanya na hindi pa talaga kayang makabangon agad, mahalagang maging tapat tayo sa ating mga empleyado. Mahirap pero, kung ito ang makabubuti sa parehong panig ay gawin na lang bago pa lalong lumala ang sitwasyon na mauuwi lang sa hindi pagkakaunawaan.


Ang apela lang natin ay ibigay din ang nararapat para sa mga tauhan na tatanggalin.

Samantala, patuloy din ang panawagan sa gobyerno na magkaroon ng plano para sa mga mawawalan ng trabaho. Ngayon higit na kailangan ang mga programang makatutulong sa muling pagbangon mula sa pandemya.


Bagama’t, likas sa mga Pinoy ang pagiging madiskarte pagdating sa kabuhayan, kailangan pa rin ang suporta mula sa ating pamahalaan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.