top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bus bumangga sa bahay, pasahero dedbol

BULGAR
Nov 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2022


PALAWAN–Isang pasahero ang namatay at tatlong katao pa ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong bus kamakalawa sa konkretong bahay sa Bgy. Langogan, Puerto Princesa City.


Ang nasawi ay kinilalang si Arvin Fuentes, samantalang ang mga sugatan ay sina Joseph dela Cruz, Lendia Ebno, Angeline Andrade, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Noli Paduga, 41-anyos sa pagmamaneho ng bus, kaya bumangga ito sa bahay na pag-aari ng pamilya Abad sa nabanggit na barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima, samantalang wala naman nadisgrasya sa pamilya Abad.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Fuentes, samantalang sinampahan na ng pulisya ng mga kaukulang kaso ang driver ng bus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page