Buntis nahulog sa habal-habal
- BULGAR
- Feb 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 19, 2023
AKLAN—Isang buntis ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa sinasakyan niyang habal-habal motorcycle kamakalawa sa Bgy. Agbalogo, Makato sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Danilyn Torrenueva, 27, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakaangkas sa habal-habal motorcycle si Torrenueva para pumasok sa trabaho nang mahilo ito kaya nahulog sa nasabing sasakyan.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo at mga galos sa braso at katawan.
Hindi naman na pinangalanan ang driver ng habal-habal motorcycle dahil nangako ito na sasagutin ang gastos sa ospital at danyos sa biktima.



Comments