top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Buntis na NPA, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2024

NEGROS ORIENTAL -- Isang buntis na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Brgy. Mantiquil, Siaton sa lalawigang ito.


Para sa kanyang seguridad ay itinago ng mga otoridad sa alyas na “Ka Maine” ang sumukong 22-anyos na buntis na miyembro ng NPA na nakabase sa lalawigan.


Napag-alaman na isinuko rin ng naturang miyembro ng NPA ang dala niyang armas, bala at mga subersibong dokumento sa mga otoridad.


Ayon sa buntis na NPA, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok dahil sa kanyang kalagayan kaya sumuko siya sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong buntis na komunista para matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page