Bumili ng nakaw na cellphone, arestado
- BULGAR
- Aug 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 9, 2023
PALAWAN -- Isang 18-anyos na dalaga na bumili ng isang nakaw na cellphone ang inaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 4, Roxas sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago ng mga awtoridad sa pangalang “Rowena,” residente ng Bgy. 1 sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nilooban ng isang magnanakaw ang bahay ng hindi pinangalanang biktima noong July 19, 2023 at natangay ng suspek ang cellphone at P10,000 cash.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na si “Rowena” ang bumili ng cellphone kaya pinuntahan ito, pero ayaw sabihin ng dalaga ang pangalan ng nagbenta sa kanya ng nakaw na cellphone kung kaya’t dinakip ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa anti-fencing law.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang suspek na nagnakaw sa cellphone ng biktima.



Comments