top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bumenta lang ang dance cover video… KIM, GINAYA LAHAT NG 5 MEMBERS NG K-POP GROUP NA ITZY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2020
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 9, 2020



Bising-busy pa rin si Kim Chiu sa kabila ng krisis sa bansa at pagsasara ng ABS-CBN. Marami siyang ganap kahit na naka-quarantine.

Una, ang kalalabas lang na first-ever dance cover video ni Kim ng original song ng K-Pop group na Itzy, ang Not Shy. And secondly, balik-shooting si Kim sa naantala niyang movie project under Star Cinema.

"Marami naman ang nangyayari sa akin kahit naka-quarantine. Maraming bawal gawin, pero thankful ako na kahit paano, meron akong ginagawa, may trabahong dumarating. May mga ginawa ako para sa YouTube ko. So, ayun," pahayag ni Kim sa aming eksklusibong panayam sa kanya last Sunday.

In three days alone, almost 500K na ang views ng Not Shy sa YouTube channel ni Kim.

"Oo, sobra rin akong thankful na at least, inaabangan nila ‘yung mga ginagawa ko. Natutuwa sila sa mga efforts ng mga isine-share ko sa kanila. So, natutuwa rin ako. Siyempre, lumipat na kasi tayo ng platform lalo na ngayong 2020. Ang daming nangyari, 'di ba?"

Si Kim mismo ang nakaisip gumawa ng dance cover at K-Pop ang gusto niyang gawin dahil K-Pop fan daw siya.

"Ginawa ko na lahat, ako ‘yung lima. Hahaha! Nag-enjoy naman ako na ginawa ko. And, masaya ako na na-enjoy din ng mga nanonood sa channel ko ‘yung ginawa ko. So, nakakatuwa."


Mukha lang daw nakakapagod, pero nu'ng ginagawa raw niya 'yung video ay sobra siyang happy.

May mga nagsasabi na bagay sa kanya ang title ng song sa dami ng mga pinagdaanan niyang isyu ngayong covid-19 pandemic at pagsasara ng ABS-CBN.

"Not shy kasi ako!! Hahaha!!! Not shy ako!"

But actually, idinaan pala nina Kim sa bunutan ang pagpili sa gagawin niyang dance cover para fair. Tatlong K-Pop daw ang pinagpilian ng team niya — Itzy, Twice and BlackPink with Selena Gomez.

Ang video production team daw na Chapters ang nag-conceptualize ng video. Tapos, nag-research siya at ang kanyang makeup artist and hairstylist para sa iba't ibang looks niya sa video. Pero, siya na lang daw ang nag-isip kung ano ang sasayawin.

Naman! Kung halimbawang kukunin pa niya ang G-Force, naku, tiyak na lolobo ang budget ng produ for the video, 'noh!

"So, lahat nu’ng nasa team na ‘to, parang sila na ‘yung… bahala na sila. Sila na ‘yung nag-isip. ‘Yung pupunta na lang ako sa studio. Ako na ang mag-iisip ng sasayawin ko. 'Yung buong team, sobrang nag-effort kaya sobra akong nagpapasalamat at masaya naman ako sa naging outcome."

Ang executive producer ng dance cover ni Kim ay si Joanne Angeles, make-up by Jake Galvez, hair by MJ Rone, wardrobe stylist by Adrian Concept, nails by Mimi Que Reyes (mimiqluxurynails). Ang digital marketing agency ay ang Kreativden Agency.

At ang Porsche car na ginamit sa video ay mula sa reel-and-real partner ni Kim na si Xian Lim!


Anyway, among the five different characters na ginawa ni Kim sa video, meron siyang favorite at 'di gusto.

"‘Yung blonde (favorite ni Kim), kasi hindi ko lubos-maisip na magba-blonde ako ng buhok habang sumasayaw. So, natuwa naman ako. Saka ‘yung isa roon, ‘yung naka-bangs. Ayoko talagang mag-bangs kasi hindi bagay sa akin, pero dahil naka-bangs ‘yung isang member doon, so, binangs ko na ‘yung sarili ko. Ayoko ng bangs. Hindi kaya ng hitsura ko ang mag-bangs."

Pinakanahirapan naman siyang gawin sa lahat 'yung "Kim" na naka-white. Nahirapan daw kasi siya sa suot niyang sapatos na may matigas at mataas ‘yung heels.

"Pero sabi ko naman sa team ko, ‘Fashion or comfort?’ Kasi, hindi ko talaga siya masayaw. Sabi nila, ‘Fashion. Fashion tayo.' Sabi ko, 'Sige na nga. Pipilitin natin,'" kuwento ni Kim. Isang araw lang daw 'yun ginawa ni Kim for 13 hours, pero kinabukasan, tinanghali na siya ng gising dahil napagod din pala.

Ang goal lang naman daw ni Kim sa kanyang first-ever dance cover ay makapaghatid-saya at magawa 'yung gusto niya.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Kim ang susunod na gagawin niya for her YouTube channel.


"Panoorin nila, meron akong vlog ng 'Ang Beki.’ Three years na kami. Oo, three years na ang Angelica (Panganiban), Bela (Padilla) and Kim. So, meron akong special vlog para sa kanila, para sa aking mga mabubuting, magagandang mga kaibigan."

Habang kausap namin si Kim during our exclusive interview with her ay nasa isang hotel siya. Naka-lock-in pala siya para sa shoot naman ng naudlot na pelikula niya under Star Cinema, ang UTurn. Naka-12 shooting days na raw sila at tumigil lang dahil sa covid-19 pandemic.

Nag-check-in siya sa hotel last Sunday and she'll stay there 'til Friday. Five shooting days pa raw kasi ang kailangan to complete all the scenes for the film.

Sina JM de Guzman at Tony Labrusca ang mga kasama ni Kim sa UTurn at hindi raw ito kasali sa 2020 Metro Manila Film Festival.

So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page