Bullying, ‘wag hayaang maging ‘normal’ sa mga iskul
- BULGAR

- Aug 11, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | August 11, 2025

Sa kabila ng mga patakaran at kampanya, patuloy pa rin ang bullying sa mga paaralan. Halos araw-araw, may batang umiiyak, natatakot, at unti-unting nawawala ang tiwala sa sarili dahil sa pang-aapi ng kapwa mag-aaral.
Hindi ito “normal na parte ng paglaki”. Isa itong seryosong problema na may malalim na epekto sa emosyonal at mental na kalusugan ng bata. At kung mananatili tayong tahimik, mas lalo itong lalala.
Hindi sapat ang mga seminar at posters. Kailangan ng tunay na aksyon: pakikinig, pagdidisiplina, at pang-unawa. Gawin nating ligtas ang paaralan — hindi lugar ng takot kundi ng pag-asa.
Panahon na para wakasan ang bullying. Ipaunawa sa kabataan ang halaga ng buhay at pakikipagkapwa-tao.





Comments