Botika nilooban ng ‘Akyat-Bahay Gang’
@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2024
CAVITE -- Isang botika ang nilooban ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” kamakalawa sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City sa lalawigang ito.
Ang nilooban ay ang Zure Rx Pharmacy sa nasabing barangay.
Nabatid na walang tao sa naturang botika nang pasukin ito ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang”.
Napag-alaman na nakatangay ang mga suspek ng cash sa pinagnakawang botika.
Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments