Booster shots sa general public, next year na
- BULGAR

- Nov 19, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021

Posible nang masimulan sa susunod na taon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa general public, ayon sa vaccine expert panel ng pamahalaan.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, prayoridad sa ngayon ang pagbibigay ng booster shot sa mga health workers, mga senior citizens at mga may comorbidities o sakit.
Ngunit hindi gaya ng health workers, maaaring hindi payagan ang mga ordinaryong mamamayan na pumili ng brand ng bakunang ituturok bilang booster shot.
Sinimulan noong Miyerkules ang pagbibigay ng booster shot sa mga healthcare workers.
Kabilang sa mga unang nakatanggap ang mga tauhan ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.
Samantala, binubuo na ang guidelines para sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at immunocompromised, na inaasahang magsisimula sa susunod na linggo.
Inaasahan din na lalabas ang guidelines sa susunod na linggo.








Comments