Boomtruck operator, tepok sa kuryente

@Balitang Probinsiya | March 6, 2021
SULTAN KUDARAT—Patay ang isang boomtruck operator nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Katiku, President Quirino.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Clemencio Longinos, residente ng Matina Crossing, Davao City.
Ayon sa ulat, habang ino-operate ni Longinos ang boomtruck ay nasagi nito ang poste ng kuryente dahilan upang makuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Kaagad dinala ng kanyang mga saksi si Longinos sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments