top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Boga ng parak ninakaw ng 'akyat-bahay'

BULGAR
Jan 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2023


AKLAN—Isang miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng service firearm ng pulis kamakalawa sa Bgy. Bakhaw Sur, Kalibo.


Hindi na pinangalanan ang biktimang pulis na residente ng nabanggit na barangay.


Sa salaysay ng biktimang pulis, iniwan niya ang kanyang baril na nakalagay sa sling bag sa loob ng kanyang kuwarto at saka umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, pero pagbalik niya sa kanyang silid ay nawawala na ang kanyang baril.


Ayon sa biktima, agad siyang lumabas at nakita niya ang suspek at hinabol niya ito, pero itinututok sa kanya ang service firearms hanggang makatas ang magnanakaw.


Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip agad ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page