Boga isinuko ng kelot
@Balitang Probinsiya | December 11, 2022
AKLAN—Isinuko ng isang lalaki ang kanyang baril sa himpilan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Madalag.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang lalaking kusang nagsuko ng kanyang baril na may lamang mga bala.
Nabatid na kusang nagtungo ang lalaki sa 1st Aklan Police Mobile Force Company at isinuko dito ang kanyang baril na kalibre .357 revolver.
Ayon sa lalaki, walang kaukulang dokumento ang kanyang baril, kaya nagpasya siyang isuko ang kanyng armas sa pulisya.
Nanawagan ang pulisya sa mamamayan na isuko na rin sa kanilang tanggapan ang mga baril na nasa kanilang mga pag-iingat kung wala itong mga kaukulang dokumento para makaiwas sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments