top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Bodega ng asukal, nasunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 30, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang bodega ng asukal ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. 17, Victorias City sa lalawigang ito.


Ang nasunog ay ang Victorias Milling Company sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na sumiklab ang sunog sa bodega at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay agad na tinupok ang warehouse.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala ng sunog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page