Boarding house sinunog, lalaki huli
@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2023
PALAWAN—Isang lalaking lasing ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya dahil sa panununog sa inuupahan niyang boarding house kamakalawa sa Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Dave Gudoy, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, lasing na umuwi sa boarding house si Gudoy, at may nakakita sa suspek na sinindihan nito ang tela na nakalagay sa ibabaw ng isang washing machine at pagkaraan ay lumabas ito.
Dahil sa gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa matupok ang boarding house.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa sunog, samantalang nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong arson.



Comments