top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Boarding house, nilooban ng ‘Akyat-Bahay Gang’

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2023


CAMARINES SUR -- Isang boarding house ang nilooban ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" kamakalawa sa Brgy. Liboton, Naga City sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang napagnakawan ng mga cash at alahas sa loob ng inuupahan niyang boarding house.


Nabatid na wala sa kanyang boarding house ang biktima nang pasukin ito ng mga suspek.


Nadiskubre lang ng biktima ang panloloob sa kanyang boarding house nang umuwi siya rito at wala na ang kanyang mga cash at mga alahas.


Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page