top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Biyudong rapist, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 18, 2023


ANTIQUE -- Isang biyudong rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Valderama, Culasi sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jude Sibugan, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at nadakip ang rapist.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page