Biyudong rapist arestado
- BULGAR
- Feb 20, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 20, 2023
SORSOGON—Isang biyudong rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Quidolog, Prieto Diaz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Danilo Jardenil, nasa hustong gulang, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments