Biyudo binoga ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | Pebrero 23, 2023
BATANGAS—Isang biyudo ang nasa kritikal na kondisyon nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Brgy. Poblacion 4, Tanauan City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Larry Laura, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, papasakay sa kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay si Laura nang lapitan ito ng mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima
Sa pag-aakalang napatay nila ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek.
Inoobserbahan pa ngayon sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspek.



Comments