Biyuda nilikida ng armado
@Balitang Probinsiya | October 30, 2022
ALBAY—Patay 47-anyos na biyud nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Nabonton, Ligao City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilala ng pulisya na si Marilou Sadia, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Sadia nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments