top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Biyuda, kinatay ng senglot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 19, 2023


ILOILO -- Isang biyuda ang sinaksak at napatay ng isang lasing na lalaki kamakalawa sa Bgy. Tacbuyan, Numancia sa lalawigang ito.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Dina Malata, 24, samantalang ang suspek ay si Rowel Sayson, 45, kapwa residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, lasing na pumasok si Sayson sa bahay ni Malata at habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


May hinala ang pulisya na selos ang dahilan kaya pinatay ni Sayson si Malata dahil nanliligaw umano ang suspek sa biktima.


Nabatid na sumuko ang suspek sa pulisya matapos mapatay ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page