top of page
Search
  • BULGAR

Biyuda, kinatay ng kaibigang bebot

@Balitang Probinsiya | February 24, 2021



PAMPANGA—Isang 54-anyos na biyuda ang namatay nang saksakin kanyang kaibigang babae kamakalawa sa Bgy. Margot, Angeles City.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga saksak sa katawan na si Hilyn Sison, samantalang ang suspek ay si Analyn Sumague, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap sa loob ng bahay ng ni Sison ay nagkaroon nang pagtatalo ang magkaibigan kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Nabatid na dahil sa dami ng saksak na tinamo sa katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktima.


Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page