top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Biyenan, tinodas ng manugang

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 14, 2021



Antique—Patay ang 55-anyos na biyenan nang saksakin at barilin ng kanyang manugang kamakalawa sa Bgy. Badiang, San Jose de Buenavista.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonardo Joseco, samantalang ang suspek ay ang manugang nitong si Norman Iman, 34-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para saksakin ni Iman si Joseco at pagkaraan ay pinagbabaril pa ng suspek ang biktima.


Kaagad namang nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms at illegal possession of bladed weapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page