Biyenan pinagsasaksak, todas
@Balitang Probinsiya | May 4, 2023
ILOILO—Isang 44-anyos na biyenan ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang manugang, kamakalawa sa Bgy. Ungka 2, Pavia sa lalawigang ito.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Richard Mambusada, samantalang ang suspek ay ang manugang nito na si Gino Laguansa, 25, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang kanyang biyenan.
Dinala pa ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusang sumuko naman sa pulisya si Laguansa na nahaharap sa kasong murder.



Comments