top of page
Search
  • BULGAR

Biyahe ng Grab, 5 AM to 12 midnight na!

ni Twincle Esquierdo | September 2, 2020



Dalawang oras ang idinagdag ng Grab sa kanilang biyahe sa Metro Manila, Cebu at Pampanga na magsisimula ngayong araw, Setyembre 2, simula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi, mula sa dati nitong oras na alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Gayunman, kailangan pa ring sumunod sa minimum protocol na social distancing kaya cashless ang pagbabayad sa Grab. Maaari lamang magbayad gamit ang GrabPay at Credit o Debit Card.

Nagbibigay din ng paalala ang Grab sa mga pasahero gamit ang ride-hailing app na dapat sundin ng mga ito, tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page