top of page

Birth date at nunal sa paa, indikasyon na makakapag-abroad sa 2023

  • BULGAR
  • Aug 19, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 19, 2022


Dear Maestro,


Sa kasalukuyan ay nag-a-apply ako sa abroad. Naisipan kong sumangguni sa inyo para malaman kung makakaalis ako. Kung makakaalis ako, kailan ito matutuloy, gayundin, magiging produktibo ba ang buhay ko ru’n?


Siya nga pala, may nunal din ako sa leeg at talampakan, ano ang ibig sabihin ng mga ito, makakaalis ba ako papuntang abroad ngayong taon o sa 2023?


February 14, 1990 ang birthday ko.


Umaasa,

Marissa ng San Lorenzo, Mexico, Pampanga


Dear Marissa,


Ayon sa matatanda, ang nunal sa talampakan ay may pagka-layas o lagalag. Ibig sabihin, hindi ka napipirmi ng bahay dahil nangangati ang mga paa na umalis nang umalis o pumunta sa malalapit na kaibigan para makipagkuwentuhan.


Gayunman, ayon sa Modern Moleosophy na tinatawag ding Moleoscopy, ang mga taong may nunal sa talampakan ay mentally and physically active. Ibig sabihin, marami silang enerhiya sa paglalakad at sa lahat ng gawaing may kaugnayan sa paglalamyerda, ganundin malikot ang kanilang iniisip at marami silang mga plano at ambisyon sa buhay, na kadalasan ay hindi naman naisasakatuparan.


Samatala, ang mga tao namang may nunal sa leeg, higit lalo ang babae, may taglay silang artistic temperament or artistic talent. Ibig sabihin, puwede silang maging magaling na singer, dancer, broadcaster atbp. sa larangang dumadaldal at nag-i-entertain ng mga tao. Dagdag pa rito, “vulgar” din sila sa ugali at pananalita, kung saan ang salitang vulgar sa eksaktong depensiyon ay “walang preno sa pagsasalita.”


Samantala, ang birthdate mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ay nagtataglay ng planetang Mercury, sa destiny number na 8 (ang February 14, 1990 ay kinokumpyut ng ganito: 2+14+1990=2006/ 20+06=26/ 2+6=8), na taglay ang planetang Saturn na nagsasabing, makakapag-abroad ka sa kabila ng maraming mga pagsubok na iyong dadanasin. Ngunit matapos ang mga pagsubok na tiyak na mapagtatagumpayan mo, tuloy-tuloy nang giginhawa, gaganda at uunlad ang buhay mo sa ibayong-dagat.


Ayon sa iyong Travel Calendar, tinatayang sa taong 2023, 2024 at 2025, itatala ang mga mabunga at mabiyayang mga pangingibang-bansa sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page