Bird hunter tepok sa pumutok na boga
@Balitang Probinsiya | May 23, 2023
ILOILO—Isang 24-anyos na bird hunter ang namatay nang aksidenteng pumutok ang dala niyang baril kamakalawa sa Bgy. Dagami, Maasin sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya, hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa imbestigasyon, habang nadulas umano ang bird hunter kaya pumutok ang baril at tinamaan ito sa dibdib.
Dinala ng kanyang kaibigan ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.



Comments