top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Binatang rider, sugatan sa tricycle

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 20, 2021


CAPIZ--Sugatan ang isang binatang rider nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Lawaan, Roxas City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Lopez, nasa hustong gulang, samantalang ang driver naman ng tricycle ay si Mario Jinio, 45-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Jinio kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito sa ospital.


Nakapiit na si Jinio sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page