top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Binatang rapist, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-16 ng Pebrero, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang wanted na binatang rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Talaban, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang suspek na 19-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya rumesponde ang mga ito at inaresto ang nasabing rapist.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page