Binatang nag-birthday, tinaga ng lolo
- BULGAR

- Oct 30, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 30, 2020
LA UNION—Isang 19-anyos na binata na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang sugatan nang tagain ng nag-amok na lolo kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita West, Aringay.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga taga sa katawan na si Jimmy Aquino, Jr., samantalang ang suspek ay si Juan Neverida, 60-anyos, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa imbestigasyon, ipinagdiriwang ni Aquino ang kanyang birthday at kainuman ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang nagwawalang suspek at pinagtataga ang biktima.
Kaagad rumesponde ang pulisya at nadakip ang suspek.
Ginagamot na sa ospital si Aquino, samantalang inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaga sa biktima.



Comments