Binatang Gemini, nakalaan sa 24-anyos na magkaka-dyowa next year
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 6, 2022
Dear Maestro,
Naispan kong kumonsulta sa inyo dahil sa edad kong 24 ay wala pa rin akong boyfriend. Gusto kong malaman kung sino-sino ang mga ka-compatible ko at kailan ako magkaka-boyfriend?
Gayundin, ano ang masuwerte kong kulay at palamuti sa katawan na puwede kong suotin upang mahigop ko rin ang suwerte at magandang kapalaran? Nais ko ring malaman ang aking masuwerteng buwan at taon. February 25, 1998 ang birthday ko.
Umaasa,
Sam ng Santa Ana, San Mateo, Rizal
Dear Sam,
Ayon sa zodiac sign mong Pisces, ka-compatible mo ang iyong kapwa water type signs, partikular ang Cancer, Scorpio at kapwa mo Pisces. Bukod sa kapwa mo water type signs, secondary compatible mo naman ang mga earth type signs na Virgo, Capricorn at Taurus, gayundin ang Gemini at Sagittarius, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 8, 17 at 26.
Habang mapalad ka naman sa mga kulay na green, silver, white at gray. Ang black o itim, gayundin ang yellow ay puwede mo namang suotin o gamitin sa panahong nararamdaman mong depressed ka na o malungkot na malungkot ka upang tumaas ang antas ng iyong espiritu at lumakas ang liwanag ng iyong awra.
Samantala, masuwerte ka naman sa batong amethyst, higit lalo kung ipapalamuti mo ito sa silver o pilak na singsing. Tandaan lamang na mientras mataas ang kalidad o karat ng silver na singsing o mientras antigo o luma na, higit na magiging mabisa ito, lalo na kung susuotin na nakadikit sa iyong balat.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran tuwing sasapit ang ika-20 ng Pebrero hanggang ika-25 ng Marso, tuwing ika-20 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo at tuwing ika-20 ng Oktubre hanggang ika-25 ng Nobyembre.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2023 sa buwan ng Pebrero hanggang Marso at sa edad mong 25 pataas dahil magkaka-boyfriend ka na, hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Gemini.




Comments