top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Binata, nalunod sa dagat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 29, 2023


AKLAN -- Isang 18-anyos na binata ang namatay nang malunod kamakalawa habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Pook, Kalibo sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang binatang nalunod.


Nabatid na naligo ang biktima, kasama ang kanyang mga kaibigan sa dagat sa naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang binata.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa dagat.


Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng dagat ang biktima at agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page