Binata, dedbol sa trak
- BULGAR
- Jul 2, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 2, 2023
NUEVA VIZCAYA -- Isang binata ang namatay nang mahulog at masagaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Tidang Village, Kayapa sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Freddie Monang, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, nakisakay si Monang sa trak na minamaneho ni Julius Ambat, nasa hustong gulang. Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumukas ang pinto kaya nahulog ang biktima at pagbagsak nito ay pumailalim saka nagulungan ng trak ang ulo nito.
Napag-alaman na namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktima.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kay Ambat.



Comments