Bilyonaryong Mafia ang Mahal Ko (46)
- BULGAR
- Apr 2, 2024
- 2 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-2 Araw ng Abril, 2024

Kahit ano’ng awat ang gawin ni Nhel, hindi niya pa rin magawang pigilan si Via na umalis sa kanyang poder. Gayunman, hindi ibig sabihin nu’n ay pinapakawalan na niya ito.
“Akin ka lang,” gusto sana niyang ibulalas ngunit hindi siya nakakasiguro kung ikatutuwa o ikagagalit iyon ng kanyang asawa. Unang kita pa lang niya sa picture ni Via, may kakaiba na siyang naramdaman. Para ngang agad niyang nakalimutan kung ano ang papel nito sa buhay ng kanyang ama.
“Mabuti naman at dumating ka na,” wika ni Pedro nang dumating si Via.
Hindi man ito ang kanyang tunay na anak, sila pa rin ang higit na may pinagsamahan.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nakakasiguro kasi siya na hindi lang iyon ang tunay na rason. Ang totoo ay sobra siyang nakokonsensya dahil nadadamay pa si Via. Tama naman si Nhel, si Via ang kahinaan ni Pedro. Paanong hindi siya makokonsensya, sobra na ang pagsasakripisyong ginagawa ni Via. Kung hindi naman kasi siya nagsugal nang nagsugal, paniguradong hindi mapapahamak si Via.
“Ano’ng nangyari?” Gilalas niyang tanong.
Kahit hindi sigurado si Via, awtomatiko ang kanyang pagluha paano ba naman kasi ang bilis pumayag ni Nhel na umuwi sa kanila na para bang wala itong pakialam sa kanya.
“Galit siya sa akin, kaya ikaw ang pinaghihigantihan niya.” Sambit ni Pedro
“Bakit mo kasi siya pinabayaan?”
“Hindi ko alam na nabuntis ko si Marie. At isa pa, ayaw sa akin ng kanyang pamilya.” Mahinang sabi ni Tatay Pedro.
“Sa katunayan, nakipaghiwalay si Marie sa harapan mismo ng kanyang pamilya.” Dagdag pa nito.
Muli na namang napamura si Pedro. Para kasing dinudurog ang kanyang puso. Muli na namang nanumbalik ang sakit na kanyang nararamdaman noon na pilit niyang kinakalimutan.
Itutuloy…








Comments