ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 24, 2024
Bahagyang itinulak ni Via si Nhel Zamora. Kahit kasi asawa na niya ito, nag-aalinlangan pa rin siya. Siguro nga dahil alam naman niyang hindi siya tunay na mahal ng binata.
"Iyon nga lang ba ang dahilan?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung nalaman na niyang anak pala ito ng kanyang Tatay Pedro. Wala man itong pinakitang DNA result, nakakasiguro naman siya na nagsasabi ito ng totoo.
“Masarap ba?” Nakangising tanong nito.
“Nope,” mabilis niyang sagot.
Alam niyang masama ang magsinungaling, ngunit mas nais niyang ipakita ang kanyang pride.
“Ordinaryong halik lang naman 'yan.” Kunwa’y balewala niyang sabi. Para tuloy gusto niyang humagalpak ng tawa sa pagsabi niya ng mga salitang iyon.
“What?”
“Wala 'yan sa ibang halik na natikman ko.” Ang nais niya kasi ay mabigyan ito ng impresyon na marami ng lalaki ang nakatikim sa kanyang labi.
“Damn!” Sambit ni Nhel.
Nabigla siya sa sinambit ng binata kaya parang gusto niya tuloy aminin dito ang katotohanan na ito ang unang humalik sa kanya.
At dahil sa nais niyang maitayo ang nagdurugo niyang pride, wala siyang lakas na loob para bawiin dito ang kanyang sinabi.
“Kaya kung inaakala mo na naka-jackpot ka sa akin, nagkakamali ka. Para ka na lang kumakain ng tira-tira.”
Itutuloy…
תגובות