Bilyonaryong Mafia ang Mahal Ko (14)
- BULGAR
- Feb 23, 2024
- 2 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 23, 2024

“Damn!” Buwisit na bulalas ni Nhel. Alam niyang hindi lang iyon sa inis na nararamdaman niya para kay Via, kundi pati na rin sa kanyang sarili. Hindi dapat siya nagpapakita ng kahinaan sa dalaga. Pero, hindi na niya kayang itago ang sakit na kanyang nararamdaman mula pa noong siya’y bata.
Samantala, hindi naman takot ang naramdaman ng dalaga kay Nhel kundi awa, ang ayaw pa naman ni Nhel sa lahat ay iyong kaawaan siya. Pakiramdam niya kasi ay ang hina-hina niya, nang biglang nag-flash sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanya noong siya’y bata.
Palagi siyang binu-bully ng kanyang mga kaedad kapag nalalaman ng mga ito na wala siyang siyang ama. Isa raw siyang putok sa buho. Kaya naman kahit sabihin ng kanyang ina na mayroon siyang ama, ayaw na niya itong maniwala. Hindi naman kasi niya ito nakikita. ‘Ika nga sa kasabihan, “To see is to believe,” so paano niya iyon paniniwalaan kung ‘di niya naman ito nakikita?
Nang mag-asawa ulit ang kanyang ina, akala niya ay may ama na siyang matatawag. Naging malapit naman siya rito. Pero, ang dahilan pala ay para makuha nito ang tiwala ng kanyang lolo’t lola. Sa testamento kasi ng kanyang grandparents, ipapamana umano ng mga ito ang kanilang ari-arian kapag nagkaroon ulit sila ng apo.
Ngunit, dahil madami namang pera si Manuel Miranda, hindi nito inintindi ang naging desisyon ng matatanda. Ipinaramdam pa rin naman ni Manuel kay Nhel ang pagiging isang ama.
“Kung paanong maging malupit?” Mariin niyang sabi, kaya napabuntong hininga siya dahil nakaramdam siya ng disappointment sa kanyang sarili.
“So, hindi lang ang utang ni tatay ang dahilan kaya pinakasalan mo ako?” Marahang tanong ng dalaga sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya, bago muling magsalita, “Ipapatikim ko sa’yo ang galit ko,” sabay halik kay Via.
Itutuloy…








Comments