top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Biktima ng salvage, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 4, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa talahiban sa Bgy. Tortosa, Manapla sa lalawigang ito.


Walang nakitang anumang identification card o ID ang biktima, na tinatayang nasa 35-anyos pataas.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng lalaki na nakagapos ang magkabilang kamay at may tama ng bala sa ulo.


Hinala ng mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sila sa imbestigasyon.


Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad patungkol sa pag-salvage sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page