top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Biktima ng salvage natagpuan

BULGAR
Dec 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 28, 2022


QUEZON—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy, Silangang Malicboy, Pagbilao.


Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 30 hanggang 40 ang edad, may taas na 5’4 hanggang 5’5 at nakasuot ng itim na t-shirt at pantalon.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na may nakabalot ng plastic bag sa mukha at nakatali ang mga kamay na nasa gilid ng kalsada.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay at ang motibo sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page