top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Biktima ng bagyo, ‘wag pahirapan sa ayuda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2023
  • 1 min read

@Editorial | July 31, 2023


Grabe ang iniwang pinsala ng Super Bagyong Egay, mahigit 10 ang nasawi at bilyong pisong halaga ang nawasak. May mga kababayan tayong nawalan ng tirahan at kabuhayan.


Maraming lugar pa rin ang lubog sa baha at may mga biktima na pansamantalang nasa evacuation center habang meron ding gumawa ng barung-barong sa kalsada.


Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektado ng nagdaang Super Typhoon Egay na magpapatupad ang pamahalaan ng emergency cash transfers at cash-for-work programs para matulungan ang mga ito sa kanilang recovery. Tatakbo ang naturang programa sa loob ng 30 hanggang 45 araw. Magbibigay din umano ng alternatibong kabuhayan para sa mga apektadong pamilya.


Samantala, kasabay ng mga panawagan na madaliin ang pamimigay ng ayuda, sinabi ng ahensya na ipinag-utos na rin sa lahat ng regional directors ng DSWD na tiyaking hindi maaantala ang mga tulong sa mga apektadong komunidad.

Ang una umanong ipinamamahagi ay family food packs upang matiyak na walang magugutom saka ang cash assistance para muling makabangon ang mga binagyo.


Isa pa sa pinangangambahan ay baka samantalahin ang pagkakataon ng mga ‘epalitiko’ o mga epal na pulitiko lalo’t malapit na ang Barangay elections. Huwag naman sanang mabahiran ng pamumulitika ang pamimigay ng ayuda.


Paalala rin sa publiko, maging maingat at huwag magpadala sa mga epalitiko na todo-tulong kuno pero ‘pag nasa posisyon na ay halos hindi na maramdaman.


Ipagdasal natin na bumuti na ang panahon at mabilis na makabawi ang mga nasalanta ng bagyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page