Biker dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | March 15, 2023
ILOILO—Isang biker ang namatay nang sumemplang ang kinalululanan nitong bisikleta kamakalawa sa Bgy. Cuyad, Alimodian sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marloun Novo, 40, at residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nagbibisikleta si Novo ay bigla itong bumaligtad sa pababang kalsada.
Napag-alaman na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo nang mabagok ito sa sementadong kalsada.
Nabatid na dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments