Bigtime tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | May 22, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Taculing, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Remyt Juelo, 42-anyos, nasa hustong gulang, residente ng Bgy, Mandalagan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Juelo na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.



Comments